
Mula sa mga OFW hanggang sa maliliit na negosyo, marami ang nanganganib na mawalan ng kanilang kabuhayan dahil sa pandemya. Kaya naman nagbigay ang gobyerno ng iba’t ibang loan opportunities para makatulong sa mga Pilipino na makabangon muli. Isa sa mga programang ito ang Bayanihan CARES, sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) at Small Business Corporation (SB Corp), na layuning tumulong sa mga MSMEs, OFWs, mga ospital, at iba pang apektado ng pandemya.
Noong December 31, 20211, umabot sa PHP 6.59B ang inaprubahang loans sa ilalim ng Bayanihan CARES program para sa 39,242 MSMEs. Nag-extend din ang programa ng PHP 48.4M na loans para sa mga unemployed OFWs upang makapagsimula ng sarili nilang negosyo sa ilalim ng CARES HEROES program.
Kung ikaw ay nahihirapan dahil sa pandemya, ang guide na ito ay para sa iyo. Magpatuloy sa pagbabasa para malaman ang iba’t ibang loan options na pwede mong gamitin ayon sa iyong sitwasyon.
Table of Contents
Ano ang Pagkakaiba ng Government Loans Kumpara sa mga Loans mula sa Private Institutions?
Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang government loan ay inaalok ng gobyerno bilang tulong para sa tiyak na sektor ng Pilipinas. Hindi laging available ang government loan programs at nagbabago ito ayon sa pangangailangan ng bansa. Kamakailan, marami sa mga loan programs ang nakatuon para tumulong sa mga tao na makaraos sa pandemya at sa epekto nito sa ekonomiya.
Dahil sa kanilang kalikasan, karamihan sa government loans ay walang interes at collateral. Pero naniningil pa rin sila ng service fee.
Di tulad ng government loans, ang pangunahing layunin ng mga pribadong institusyon ay protektahan at palaguin ang kanilang kapital. Kaya naman mas istrikto ang kanilang mga requirements at mas mataas ang interest rates. Gayunpaman, ang loans mula sa mga pribadong institusyon, tulad ng mga bangko at private lenders, ay laging available at may mas malawak na variety.
Kaya, kung wala pang available na government loan program na tugma sa iyong pangangailangan, maaari kang tumingin at mag-apply sa mga loan mula sa mga pribadong institusyon.
Listahan ng Philippine Government Loans para sa Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs)
1. Bayanihan CARES 2 Program (COVID-19 Assistance to Restart Enterprises) ng DTI & SB Corp

a. Pinakamainam Para Sa: MSMEs na naapektuhan ng pandemya at quarantine.
b. Pangkalahatang Ideya: Una itong inilunsad noong Mayo 2020, ang Bayanihan CARES ay isang pautang na walang interes at walang kailangang collateral na itinutok para sa pagbangon ng MSMEs na sinalanta ng pandemya. Ang pautang ay may kaukulang one-time service fee lamang.
Update: Dahil sa pangangailangan na palawakin ang orihinal na CARES program, inilunsad ang CARES 2 program noong Oktubre 20202 para rin makatulong sa mga medium-sized businesses. Sa ilalim ng Bayanihan 2 Act, naglaan ng PHP 10 bilyon para sa SB Corp. para sa pagpapatuloy ng CARES program.
c. Halaga ng Pautang: PHP 10,000.00 hanggang PHP 5 milyon depende sa laki ng assets, taunang benta ng negosyo, pati na rin ang pag-submit ng mga pinansyal na pahayag na nai-file sa BIR.
- Micro: hanggang PHP 600,000
- Small: hanggang PHP 3 milyon
- Medium: hanggang PHP 5 milyon
d. Grace Period: Hanggang 6 na buwan para sa regular na negosyo at hanggang 12 buwan para sa ilang industriya (ito yung panahon na hindi mo kailangang magbayad para sa pautang).
e. Term ng Pautang: 1 hanggang 4 na taon depende sa halaga ng inutang.
f. Interest Rate: Zero interest rate, walang collateral.
g. Mga Tuntunin ng Pagbabayad: May service fee na 4% hanggang 8% depende sa term ng pautang at halaga ng inutang.
h. Proseso ng Aplikasyon: Lahat ng aplikasyon ay dapat gawin online sa pamamagitan ng Borrower Registration System o BRS website ng SB Corp. Sa website, kailangan mong i-upload lahat ng mga dokumentong kailangan para sa pautang. Pagkatapos makumpleto ang aplikasyon, maghintay ka lang ng email mula sa SB Corp para sa susunod na hakbang.
i. Mga Requirements:
- Kumpletong online application form sa BRS
- Patunay ng lehitimong micro, small o medium-sized business (tulad ng mga permit mula sa lokal na pamahalaan) na tumatakbo ng hindi bababa sa isang taon bago ang Marso 2020
- Micro: laki ng asset na hindi hihigit sa PHP 3 milyon
- Small: laki ng asset na PHP 3 milyon hanggang PHP 15 milyon
- Medium: laki ng asset na higit sa PHP 15 milyon hanggang PHP 100 milyon
- Patunay ng permanenteng business address
- Valid government ID
- Dapat may bank account o electronic money account (EMA) tulad ng GCash
- Dapat walang unresolved negative credit dealings
- Kung sole proprietorship, kailangan ang ID ng co-borrower
- Kung corporation o partnership, kailangan ang certificate mula sa corporate secretary
- Kung may BIR filed financial statements:
- BIR 1701 para sa sole proprietorships o BIR 1702 para sa corporations
- Income statement
- Balance sheet
- Kung walang BIR filed financial statements,
- Mayor’s permit (o barangay permit)
- Mga larawan ng imbentaryo, assets, at ari-arian
- Isang minutong video ng may-ari/presidente na nagpapaliwanag ng layunin ng pautang, buwanang benta, bilang ng mga empleyado, at pangunahing mga ari-arian ng negosyo
2. P3 Program (Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso) ng DTI & SB Corp
a. Pinakamainam Para Sa: Umiiral na micro-businesses na may assets na PHP 3 milyon pababa at may 9 na empleyado o mas kaunti.
b. Pangkalahatang Ideya: Layunin ng P3 program na tulungan ang mga microentrepreneurs ng Pilipinas, na bumubuo ng malaking bahagi ng MSMEs, sa pamamagitan ng madali, accessible, at affordable na mga pautang. Ang hangarin ng programa ay magbigay ng alternatibong opsyon sa pagpapautang kumpara sa mataas na interes ng informal lending na kilala bilang 5-6 lending.
c. Halaga ng Pautang: PHP 5,000.00 hanggang PHP 200,000.00, depende sa laki ng business at kakayahan sa pagbabayad.
d. Grace Period: Hanggang sa maximum na 6 na buwan.
e. Term ng Pautang: Hanggang sa maximum na 18 buwan para sa mga pautang na mas mababa sa PHP 50,000 at maximum na 30 buwan para sa mga pautang na higit sa PHP 50,000.
f. Interest Rate: May 2.5% monthly interest rate.
g. Application Process: Maaaring bumisita ang aplikante sa DTI Negosyo Center, lokal na opisina ng DTI, o sa isang accredited na microfinancing institution para mag-apply sa P3 program.
h. Requirements:
- Kumpletong P3 loan application form
- Patunay ng micro-entrepreneur na may lehitimong negosyo na tumatakbo ng hindi bababa sa isang taon
- Patunay ng isang taon ng paninirahan
- Valid government ID
- ID picture
- Barangay Clearance na inisyu sa loob ng nakaraang tatlong buwan
- Para sa mga pautang na higit sa PHP 50,000: DTI Business Name Registration Certificate
3. HEROES (Helping the Economy Recover Thru OFW Enterprise Start-ups) ng SB Corp

a. Pinakamainam Para Sa: Mga OFWs na nawalan ng trabaho at bumalik sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.
b. Pangkalahatang Ideya: Dahil sa epekto ng global pandemic, mahigit 300,000 OFWs ang na-repatriate at kasalukuyang walang trabaho. Ang HEROES program ay naglalayong tulungan ang mga OFWs na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pautang para makapagsimula sila ng negosyo.
c. Halaga ng Pautang: PHP 30,000 hanggang PHP 100,000
d. Grace Period: Hanggang 12 buwan
e. Loan Term: 24 buwan hanggang 36 buwan (kasama na ang grace period).
f. Interest Rate: Walang interest, walang collateral.
g. Repayment Terms: May service fee na 6% hanggang 8% depende sa halaga ng pautang.
h. Application Process: Ang mga aplikante ay kailangang sumailalim sa isang libreng tatlong araw na online training sa PTTC sa pamamagitan ng pag-register sa link na ito. Pagkatapos ng training, ihanda ang mga requirements na nakalista sa ibaba at isumite ang mga ito sa BRS website.
i. Requirements:
- Valid government-issued ID
- OWWA certification
- DTI Registration
- Video ng business presentation (ayon sa guidelines mula sa PTTC training)
- Para sa Loans PHP 50,000 pataas: Mayor’s permit
4. MCGP (MSME Credit Guarantee Program) ng Philippine Guarantee Corporation (PhilGuarantee)

a. Pinakamainam Para Sa: MSMEs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic na nangangailangan ng bank loans para sa kanilang working capital.
b. Pangkalahatang Ideya: Ang PhilGuarantee, kasama ang banking sector, ay gumaganap bilang isang ordinaryong guarantor para sa mga pautang na ibinibigay sa MSMEs, ibig sabihin, maaari nilang sakupin ang ilang bahagi ng pagkalugi ng lender kung hindi makabayad ang borrower. Sa pamamagitan nito, matutulungan ng PhilGuarantee ang MSMEs na makakuha ng access sa bank loans na maaaring hindi nila makukuha sa ibang paraan.
c. Halaga ng Pautang: Maximum na PHP 50 milyon kada borrower. Ang mga pautang na higit sa PHP 50 milyon ay maaaring tanggapin depende sa kaso.
d. Loan Term: 1 hanggang 5 taon.
e. Interest Rate: Ang interest at collateral ay ayon sa hinihingi ng bank.
f. Guarantee Coverage: 50% ng principal.
g. Guarantee Rate: 1% guarantee fee kada taon at PHP 5,000 amendment fee.
h. Guarantee Term: 1 taon at subject for review sa anniversary date.
i. Application Process: Magtanong sa PhilGuarantee partner bank para sa kanilang specific application process at requirements para sa MGCP.
j. Requirements: Base sa requirements ng partner bank.
5. RESPONSE (Rehabilitation Support Program on Severe Events) ng Development Bank of the Philippines (DBP)

a. Pinakamainam Para Sa: Public o private institutions na naapektuhan ng mga kalamidad (kasama na ang health threats tulad ng pandemic).
b. Pangkalahatang Ideya: Ang RESPONSE ay isang rehabilitation program na nagbibigay ng financial support para sa parehong private at public institutions na tinamaan ng kalamidad. Layunin ng programa na mapabilis ang kanilang pagbangon sa pamamagitan ng isang simpleng loan application process.
c. Halaga ng Pautang: Hanggang 95% ng project requirement o minimum cash requirement.
d. Loan Term: Para sa private institutions, hanggang 10 taon kasama ang 3-taong grace period. Para sa permanent working capital, hanggang 5 taon kasama ang 1-taong grace period.
e. Interest Rate: Batay sa applicable benchmark rate sa oras ng drawdown plus ang applicable credit spread.
f. Collateral: Para sa Non-LGU Borrowers: Real Estate Mortgage (REM) o Chattel Mortgage (CHM) o hold-out on deposits na katumbas ng isang quarter ng amortization o iba pang tanggap na collateral ayon sa assessment ng DBP.
g. Repayment Terms: Ang term loans ay babayaran buwanan o quarterly batay sa cash flow ng iyong business o proyekto.
h. Application Criteria:
- Public o private institutions na nag-ooperate sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity ng competent authority (tulad ng mga naapektuhan ng Typhoon Odette)
- Para sa existing borrowers:
- Dapat ay in good standing sa panahon ng kalamidad
- Ang agricultural projects ay kailangang insured sa ilalim ng appropriate insurance package, tulad ng sa PCIC
- Para sa new borrowers:
- Dapat ay may high development impact ang iyong business o proyekto para sa community o rehiyon
- Dapat financially viable at properly capitalized ang iyong business o proyekto
- Dapat ay nag-operate na ang iyong business o proyekto ng hindi bababa sa 1 taon bago ang kalamidad
- Dapat walang adverse findings mula sa banks o suppliers
i. Application Process: Makipag-ugnayan sa isang DBP representative para sa detalye ng application process.
j. Requirements:
- DBP application form
- Customer information file form with loan record form
- Pinakabagong 3 taong financial statements (kung applicable)
- DBP form: Authority to conduct inquiry and provide credit information to or from credit bureaus and other banks and creditors
- Board resolution o secretary’s certificate na nag-authorize ng loan
- Detalye ng proyekto
- Business Registration Documents
- DTI o SEC registration
- Business o mayor’s permit
- Company profile
- Pinakabagong GIS (General Information Sheet)
- Para sa corporations: article of incorporation
- Collateral documents
6. I-RESCUE (Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably Affected Enterprises by COVID-19) ng Land Bank of the Philippines

a. Pangkalahatang Ideya: Bilang bahagi ng mga pagsisikap sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang Land Bank ay nag-aalok ng pondo at loan restructuring sa mas flexible na kondisyon sa ilalim ng I-RESCUE program. Ang programa ay bukas para sa SMEs, cooperatives, at microfinance institutions.
b. Halaga ng Pautang: Hanggang sa 85% ng aktwal na kailangan basta’t hindi lalampas ang kabuuang pautang.
c. Loan Term: Hanggang 5 taon na may maksimong 2 taong grace period sa principal payment depende sa cash flow ng borrower.
d. Interest Rate: 5% kada taon sa loob ng 3 taon. Pagkatapos ng 3 taon, magkakaroon ng annual repricing ang pautang na hindi bababa sa 5% na interest rate.
e. Collateral: Anumang collateral na tinatanggap ng bangko.
f. Repayment Terms: Flexible (buwanan, quarterly, semi-annually, o annually) batay sa cash flow.
g. Application Process: Makipag-ugnayan sa isang Land Bank representative para sa application process at updated na documentary requirements.
h. Requirements:
- Kumpletong loan application form
- DTI o SEC registration
- Board resolution o secretary’s certificate na nag-authorize ng loan
- Iba pang permits/licenses mula sa concerned government agencies (e.g., BIR)
- Audited financial statements ng huling 3 taon (kung applicable)
- Listahan ng key officers ng negosyo
- Valid government ID
- Client signature specimen card
- TIN
7. Iba Pang Pautang ng Gobyerno mula sa SB Corp
- Ang 13th Month Pay Loan Facility ay para sa mga micro at small enterprises na nangangailangan ng tulong sa pagpopondo ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado. Maaari kang makakuha ng hanggang PHP 12,000 kada empleyado.
- Ang Exporters’ Shipping Cost Lending Facility ay para sa mga umiiral na small at medium export businesses na nahihirapan dahil sa pagtaas ng freight rates.
- Ang STAPLES (Sustaining Trade Access to Primary Food and Link to Enterprises) ay para sa mga MSMEs sa retail food market na bahagi ng supply chain ng accredited FMCGs. Ito ay isang pautang na walang interest at collateral para sa mga supplier ng FMCG, tulad ng mga food producers o repackers, at retailers o wholesalers, tulad ng sari-sari stores, groceries, at bakeries.
Paano Kumuha ng Government Loan para sa Small Businesses?
1. Ilahad ang mga Pangangailangan ng Iyong Negosyo
Bago ka mag-apply para sa government loan, dapat mong suriin ang mga pangangailangan ng iyong negosyo para makapili ka ng pinakamainam na government loan na akma sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Mahalaga na malaman mo ang mga sumusunod:
- Ano ang paggagamitan mo ng business loan
- Magkano ang kailangan mo
- Gaano katagal mo mababayaran ang interest at principal
Sa paglilista ng iyong mga pangangailangan, makakagawa ka ng matibay na plano (at backup plans) kung paano mo babalikin ang perang kailangan mo para mabayaran ang pautang.
Tandaan, ang mga negosyong gustong mag-apply para sa government loans ay masusing rerepasuhin. Halimbawa, ang CARES 2 at HEROES ay may kinakailangang video presentation kung saan kailangan mong ipresenta ang iyong mga plano para sa loan.
2. Mag-Research at Pumili ng Government Loan na Akma sa Iyong Pangangailangan
Hindi lahat ng government loans ay available para sa lahat. Halimbawa, ang Bayanihan CARES 2 program ay prayoridad ang MSMEs na tinamaan ng pandemya, habang ang HEROES program ay para lamang sa OFWs. Kaya, siguraduhing mag-research ka at maghanda ng naaayon.
Kapag pumipili ng government loan, siguraduhin na ang halaga ng pautang, loan term, interest rate, at iba pang mahahalagang detalye ay tugma sa iyong plano.
3. Ihanda ang mga Dokumentong Kailangan para sa Application ng Government Loan
Bawat government loan ay may kanya-kanyang pre-qualification criteria at documentary requirements. Dapat mong ihanda ang lahat nang sama-sama para ang iyong aplikasyon ay magpatuloy nang maayos.
4. Mag-Apply para sa Government Loan
Para sa mga government loans sa ilalim ng Small Business Corporation, karaniwan ay kailangan mong mag-apply sa pamamagitan ng kanilang BRS website. Subalit, ang ibang available na government loans ay may kanya-kanyang proseso ng aplikasyon. Siguraduhin na makipag-ugnayan sa kaukulang institusyon para masiguro na ikaw ay sumusunod sa pinakabagong mga alituntunin ng aplikasyon.
5. Kunin ang Iyong Naaprubahang Loan at Magplano para sa Pagbabayad
Kapag naaprubahan na ang iyong loan, sundin ang mga alituntunin ng government institution kung paano mo makukuha ang iyong pondo. Ang bawat institusyon ay may iba’t ibang paraan ng pag-release ng pondo. Halimbawa, ang Land Bank ay nagre-release ng loan amount sa lump sum o staggered release sa pamamagitan ng bank account ng borrower.
Sa huli, kung tama ang pagkakagawa mo ng unang hakbang, dapat ay mayroon ka nang plano kung paano babayaran ang loan on time. Siguraduhing sundin ang iyong repayment plan at magkaroon ng backup plan kung kinakailangan.
Mga Tips at Babala
- Samantalahin ang grace period. Sa panahon ng grace period, hindi mo kailangang magbayad ng anuman sa loan. Ito ang pinakamagandang oras para ayusin ang iyong negosyo at kumita ng sapat para mabayaran mo ang iyong utang.
- Itala ang bawat transaksyon na may kinalaman sa government loan. Sa tamang accounting, malalaman mo kung magkano ang nagagamit at para saan, para ma-adjust mo ang iyong plano kung kinakailangan.
- Huwag gamitin ang iyong government loan sa ibang bagay na hindi para sa negosyo. Maaaring nakaka-tempt itong gamitin para sa personal na gastusin lalo na sa panahon ng pandemya, ngunit magpapahirap lang ito sa pagbabayad mo ng utang. Sa halip, unahing ibangon ang iyong negosyo para ang kita nito ay magamit mo para sa iyong personal na pangangailangan.
Mga Madalas Itanong
1. Alin ang pinakamagandang government loan para sa akin?
Ang pinakamagandang government loan para sa iyo ay yung saan ka pasok sa qualification criteria at yung makakapagbigay ng kinakailangang pondo para sa pangangailangan ng iyong negosyo. Pwede mong tingnan ang mga nasa itaas at alisin ang mga hindi applicable sa iyo. Kung mayroon pang maraming opsyon pagkatapos, alisin mo rin ang mga hindi umaayon sa mga pangangailangan ng iyong negosyo.
2. Mag-uumpisa ako ng bagong negosyo. May available ba na business loan mula sa gobyerno para sa akin?
Kung ikaw ay isang repatriated at unemployed OFW, maaari kang makakuha ng loan mula sa gobyerno sa ilalim ng HEROES program para makapagsimula ng bagong negosyo. Sa ngayon, hindi ito available para sa mga hindi OFW.
3. Na-deny ang application ko sa government loan. Ano ang susunod kong pwedeng gawin?
May ilang bagay kang pwedeng subukan:
- Mag-apply para sa reconsideration. Ang ilang loans ay nagpapahintulot sa mga aplikante na mag-apply ulit kung ang hindi na-meet na requirement ay na-meet na ngayon. Halimbawa, sa ilalim ng Bayanihan CARES 2 program, parte ng requirements ay “Must not have any unresolved negative credit dealings”. Kung dati ka nang na-deny pero ngayon ay may pruweba ka na naayos na ang lahat ng negative credit dealings, pwede kang mag-reapply.
- Isaalang-alang ang iba pang government loans na available. Kung may iba pang government loans na akma sa iyo at sa iyong mga pangangailangan, pwede kang mag-apply sa mga ito.
- Tingnan ang iyong mga opsyon sa business loan mula sa mga bangko at private lenders. Halimbawa, ang Radiowealth Finance Co. ay may flexible loan options dahil sa kanilang mababang loan limit na PHP 10,000.