Paano Sumulat ng Scholarship Application Letter?

Reading Time - 8 minutes
Paano Sumulat ng Scholarship Application Letter

Sa dami ng mga aplikante at limitadong slots, ang pagkakaroon ng scholarship ay tila malabong mangyari para sa iba. Pero sa pamamagitan ng isang maayos na scholarship application letter, maaari mong taasan ang iyong tsansa na makuha ang grant at mapansin kumpara sa ibang aplikante.

Hayaan mong gabayan ka ng artikulong ito sa paggawa ng isang kahanga-hangang scholarship application letter.

Scholarship Application Letter Templates

Kailangan mo bang gumawa ng Scholarship Application Letter agad-agad? Handa kami tumulong sa’yo!

Pumili mula sa listahan ng mga libre at pwedeng i-edit na scholarship application letter templates sa ibaba. I-click lang ang link ng template na gusto mo para automatic na ma-download ang Microsoft Word file.

Type ng Scholarship Application LetterEnglishFilipino
University-Based Scholarship Application Letter (para sa College Students)DownloadDownload
School-Based Scholarship Application Letter (para sa High School Students)DownloadDownload
Government Scholarship Application LetterDownloadDownload
Private Scholarship Application LetterDownloadDownload
Scholarship Application Letter Addressed to a Public Official (i.e., Mayor, Governor, Congressman, etc.)DownloadDownload
Post-Graduate Scholarship Application LetterDownloadDownload
Foreign Scholarship Application LetterDownloadNone

Ano ang Scholarship Application Letter?

Ang scholarship application letter ay isang opisyal na dokumento na nagpapakita sa tumatanggap na ikaw ang pinakamainam na piliin para sa scholarship. Binibigyang-diin nito ang mga kwalipikasyon, achievements, at experiences mo para masungkit ang grant.

Also Read: Paano Makakuha ng Trabaho sa Korea?

Sinasaad din ng application letter ang iyong mga rason kung bakit ka nag-aapply para sa scholarship, pati na rin ang paliwanag kung paano makakatulong ang grant sa iyong pag-aaral.

Para magdagdag ng “personal touch” sa iyong liham, maaari kang gumamit ng personal anecdotes at testimonials. Pero, dapat formal ang tono ng liham at hindi casual dahil ito ay isang akademiko/profesyonal na dokumento.

Ano ang Pagkakaiba ng Scholarship Application Letter sa Letter of Intent (LOI) para sa Scholarship?

Bagama’t parehong nagpapataas ng tsansa na makuha ang grant, magkaiba ang mensaheng ipinapahatid ng dalawa.

Ang scholarship application letter ay nagkukumbinsi sa reader na ikaw ay isang exceptional candidate para sa scholarship grant. Partikular itong nagha-highlight sa pinaka-convincing na mga rason kung bakit ikaw ang nararapat sa scholarship. Maaari mong bigyang-diin ang iyong academic achievements, socioeconomic condition, o personal attributes.

Kasama sa liham na ito ang personal anecdotes, testimonials, at iba pang supporting information na makakatulong sa iyong application. Maaari mo ring banggitin kung sino ang iyong role model at kung paano nila na-influence ang iyong passion para abutin ang iyong mga pangarap.

Samantala, ang LOI ay para ipahayag ang iyong interes sa pag-aapply para sa scholarship. Maikli lang ang pagbanggit sa iyong mga kwalipikasyon, experiences, at socioeconomic conditions bilang supporting details. Kaya naman, ang LOI ay karaniwang mas maikli, diretso, at may mas kaunting espasyo para sa personal anecdotes.

Also Read: Paano Sumulat ng Cover Letter na Magbibigay sa Iyo ng Mga Interview?

May pagkakaiba rin sa kanilang istruktura. Sa itaas na bahagi ng scholarship application letter, ilalagay ang iyong mga detalye (pangalan, address, contact details). Sa LOI, ito ay karaniwang nasa ibaba.

Ano ang Pagkakaiba ng Scholarship Application Letter sa Scholarship Essay?

Ang scholarship essay ay karaniwang nagtatanong ng partikular na katanungan tulad ng, “Bakit karapat-dapat kang makatanggap ng scholarship?”, “Paano makakatulong sa’yo ang aming scholarship?” o “Sino ang iyong pinakamalaking inspirasyon?” Mahalaga sa scholarship essay na ang iyong sagot ay maayos na naisip, malinaw, at malikhain.

Samantala, ang scholarship application letter ay parang extension ng iyong mga documentary requirements. Ito ay nagpapalawig sa mga detalyeng nakasaad para i-highlight ang iyong pinakamagandang katangian upang ikaw ay piliin ng scholarship committee. Ang paksa ng liham ay “ikaw,” at walang partikular na tanong na kailangan mong sagutin.

Ano ang Itsura ng Scholarship Application Letter?

  1. Personal Information: Nasa itaas na bahagi ng liham, dito mo ilalagay ang iyong buong pangalan, address, at contact details.
  2. Date: Ang petsa kung kailan isinumite ang liham.
  3. Recipient: Dito mo naman ilalagay ang pangalan, posisyon, at institusyon/kompanya ng tatanggap ng liham.
  4. Salutation: Kung hindi tiyak ang pangalan ng tatanggap, pwede mong gamitin ang linyang “To whom it may concern”.
  5. Introduction: Kasama sa bahaging ito ang iyong pangalan at kasalukuyang educational attainment, pati na rin ang maikling pahayag ng iyong pagnanais na mag-apply para sa scholarship at ang mga dahilan nito.
  6. Body of the letter: Dito mo ilalahad ang lahat ng bagay na nagpapatunay na karapat-dapat ka sa scholarship (halimbawa, personal attributes, academic achievements, extra-curricular activities, atbp.). Pwede ring maglaman ng personal anecdotes at testimonials.
  7. Conclusion: Sa seksyong ito, ipapahayag mo ang iyong pasasalamat sa tatanggap at bigyang-diin kung paano makakatulong ang grant sa iyong pag-aaral.
  8. Closing Remark: Isang maikling pormal na pangwakas na pahayag (halimbawa, Regards, Sincerely, atbp.).
  9. Signature

Paano Sumulat ng Scholarship Application Letter?

1. Alamin ang Scholarship na Ina-applyan Mo

Mahalaga ito bago ka magsimula ng draft ng iyong liham para sa dalawang rason.

Una, para iwasan ang pagkakamali ng impormasyon sa liham.

Pangalawa, para matulungan kang magdesisyon kung ano ang “focus” ng liham para umakma ito sa requirements ng scholarship. Halimbawa, kung ang grant ay nangangailangan ng exceptional leadership skills, kailangan mong balikan ang iyong mga karanasan sa leadership roles sa eskwelahan at isama ito sa iyong liham.

2. Kumpletuhin ang Letterhead at Magbigay ng Maikling Salutation

Ang iyong letterhead ay dapat maglaman ng tatlong bahagi: ang iyong detalye (pangalan, address, at contact info), ang petsa kung kailan isinumite ang liham, at ang detalye ng iyong tatanggap.

Pagkatapos, magbigay ng maikling salutation tulad ng “Dear ” at “Greetings ”.

Also Read: Paano Mag-Apply Para sa CHED Scholarship?

3. Ipakilala ang Iyong Sarili at Banggitin ang Iyong Pagnanais at Dahilan ng Pag-apply

Sa hakbang na ito makukumpleto mo ang introduction ng iyong liham. Kung ikaw ay bagong graduate, banggitin mo ang iyong alma mater.

Huwag kalimutan na banggitin sa bahaging ito ang iyong pagkaunawa sa layunin ng scholarship at kung paano ito naaayon sa iyong mga pangarap at kasalukuyang sitwasyon.

Sa huli, ilahad ang iyong dahilan sa pag-apply ng scholarship.

4. Kumbinsihin ang Scholarship Committee na Karapat-dapat Kang Makakuha ng Scholarship Gamit ang Iyong Academic Achievements, Extra-Curricular Activities, Soft Skills, atbp.

Layunin mo sa hakbang na ito na makumpleto ang body ng iyong liham. Ilahad dito ang iyong pinakamagandang katangian na nagpapakita na ikaw ay naiiba sa ibang aplikante. Nasa sa’yo kung ilang talata ang iyong isusulat para sa seksyong ito.

Narito ang ilang impormasyon na pwede mong isama sa body ng iyong liham:

  • Academic achievements (halimbawa, consistent Dean’s lister, class valedictorian/salutatorian, academic honors tulad ng Best in Math o Best Research Paper, o mataas na GWA, atbp.)
  • Extra-curricular experiences (halimbawa, leadership roles sa Student Council, student organizations, at NGOs, pati na rin ang mga awards na natanggap mula sa competitions, atbp.)
  • Certifications (halimbawa, TESDA National Certificate)
  • Work at internship experiences
  • Personal attributes (halimbawa, interpersonal skills, time-management skills, perseverance, atbp.)
  • Iba pang impormasyon na akma sa requirements ng scholarship. Halimbawa, kung ang iyong ina-applyan ay sports-related grants, pwede mong banggitin ang mga competitions na iyong napanalunan, iyong experiences bilang isang student-athlete mula sa ibang eskwelahan, atbp.

Pumili lamang ng mga katangian na may kaugnayan sa requirements ng scholarship. Halimbawa, kung hinahanap nila ay magandang academic standing, dapat ay iyong ipakita ang iyong mga grado at academic achievements. Kung ang grant ay naghahanap ng leadership skills, ilahad mo ang iyong mga leadership roles sa student clubs o kahit sa non-academic organizations.

Maaari ka ring magdagdag ng personal anecdotes sa bahaging ito. Halimbawa, ang nagpadala ng sample letter sa itaas ay nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagkikita sa isang doktor na nag-inspire sa kanya na sundan ang parehong propesyon.

5. I-highlight ang Kahalagahan ng Scholarship sa Iyong Tagumpay at Magpasalamat sa Reader

Maikling banggitin na ang scholarship ay makakatulong sa iyo na makumpleto ang iyong pag-aaral at magpapagaan sa pinansyal na pasanin ng iyong pamilya. Pagkatapos, magpasalamat sa tatanggap sa paglaan ng oras sa pagbasa ng iyong liham.

6. Tapusin ang Iyong Liham

Tapusin ang iyong liham sa pamamagitan ng pagdagdag ng closing remark (halimbawa, Regards, Sincerely, atbp.) at paglagay ng iyong lagda.

Tips at Babala

  • Sundin ang required word count, kung meron man. Para makatipid ng oras sa pagbabasa ng maraming liham na natatanggap ng scholarship committees, nagtatakda sila ng limitasyon sa bilang ng salita na dapat sundin ng mga aplikante. Kaya naman, hindi kailangan gawing masyadong mahaba ang iyong application letter; basta nandun ang pinakaimportanteng detalye, sapat na iyon. Tulad ng kasabihan, “brevity is the soul of wit.”
  • Maging tapat. Huwag magdagdag ng maling impormasyon para lamang maiba sa kompetisyon. Nagkakaroon ng cross-checking ang ilang scholarship committees para beripikahin ang impormasyon sa application letters. Kapag nahuli, mawawalan ka ng tsansa na matanggap ang grant.
  • Huwag maging ‘too emotional’. Totoo na mas nakakakumbinsi ang iyong liham kung babanggitin mo ang iyong mga hamon at economic hardships. Gayunpaman, ang sobrang pagdepende sa “emotional appeal” ay maaaring magdulot ng hindi magandang reaksyon mula sa iyong reader. Kaya, iwasan ang sobrang pagbahagi ng mga pribadong bagay sa iyong liham. Bukod dito, umiwas din sa pagdagdag ng mga “rant” na pahayag (halimbawa, ang edukasyon ay para lang sa mayayaman, ang pagtaas ng tuition fee ay anti-poor, atbp.) sa iyong liham. May ibang lugar para ipahayag ang mga ganitong frustasyon.

Subscribe to Get the Latest Updates and Promos!

* indicates required


Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.