Paano Mag-Type ng Squared Symbol (²) sa Iyong Computer o Smartphone?

Reading Time - 4 minutes
Paano Mag-Type ng Squared Symbol (²) sa Iyong Computer o Smartphone

Ang squared symbol (2) ay isang arithmetic operator na nagpapahiwatig na ang numero ay i-multiply sa sarili nito. Ito rin ay isang karaniwang ginagamit na mathematical operation. Ang produkto ng operasyong ito ay tinatawag na “square” ng numero. Halimbawa, ang 4² ay katumbas ng 16, dahil ang 4 na multiply sa 4 ay equals 16.

Also Read: Paano Kumita sa Temu Affiliate Program?

Paano Mag-type ng Squared Symbol sa Iba’t Ibang Devices at Programs?

Sa dami ng available na devices at programs ngayon, maaaring maging confusing ang pag-insert ng squared symbol. Narito ang simpleng guide para sa task na ito para hindi ka na mag-aksaya ng oras sa pag-search sa Google.

Unang Bahagi. Paano Mag-type ng Squared Symbol sa Laptop o Desktop Keyboard?

A. Sa Windows 10 WITH Numpad

  1. I-enable ang numerical pad sa pamamagitan ng pagpindot sa Numlock button.
  2. Pindutin at hawakan ang Alt button habang pinipindot ang number 0178. Tandaan na kailangan mong gamitin ang numbers sa number pad at hindi yung numbers na nasa itaas ng mga letra; kung hindi, hindi gagana ang shortcut na ito.

B. Sa Windows 10 WITHOUT Numpad

Kung wala kang Numpad, huwag mag-alala! Narito ang alternative steps para sa iyo:

  1. Pindutin ang Windows key sa iyong keyboard o i-click ang Windows icon na located sa taskbar. Scroll down at i-click ang Windows Accessories then Character Map.
  2. Sa Character Map, i-activate ang ‘Advanced View’ sa ibaba at i-type ang word na superscript sa box next to ‘Search for:’
  3. I-click ang Search.
  4. Piliin ang squared symbol at i-click ang Copy button. Pagkatapos, i-paste (Ctrl + V) ang squared symbol sa isang file o document.

C. Sa Microsoft Word

  • Option 1 – Superscript button: I-click ang superscript button (x²) sa Home tab then i-type ang number 2. Alternatively, maaari mong i-type muna ang number 2 bago ito i-highlight at i-click ang superscript button para maging squared symbol.
  • Option 2 – Shortcut key (para sa Chromebook lang): Pindutin ang Ctrl + Shift + U at saka i-enter ang 207X (X being the desired number to insert)

D. Sa Google Documents/Slides

  • Option 1 – Special Character: I-click ang ‘Insert’ tab located between ‘View’ at ‘Format’. I-click ang ‘Special Characters’. I-type ang superscript sa search bar. I-click ang number at ito ay automatic na lalabas sa file.
  • Option 2 – Shortcut Key: Pindutin ang Ctrl + period (.)
  • Option 3 – Insert Text: I-click ang ‘Format’ tab > Text > Superscript

E. Sa Microsoft Excel

  • Option 1 – With Numpad: Pindutin at hawakan ang Alt button habang pinipindot ang number 0179.
  • Option 2 – Superscript button: I-click ang ‘Insert’ tab beside the ‘Home’ tab. I-click ang ‘Symbol’ button sa far right. Itakda ang subset option sa Superscript and Subscript at i-click ang desired number. Finally, i-click ang Insert button.

F. Sa Microsoft Powerpoint

  • I-click ang ‘Insert’ tab beside the ‘Home’ tab.
  • I-click ang Symbol button sa far right.
  • Itakda ang subset option sa Superscript and Subscript at i-click ang desired number. Finally, i-click ang Insert button.

G. Sa Adobe Photoshop

  • Option 1 – Copy and Paste: Copy (Ctrl + C or right-click > Copy) ang superscript na located sa dulo ng article o sa Character Map (tingnan ang section B sa itaas para sa karagdagang impormasyon) at i-paste (Ctrl + V or right-click > Paste) ito sa destination file o document.
  • Option 2 – Glyphs Panel: Piliin ang Type > Panels > Glyphs o Window > Glyphs. Gamitin ang Text tool para maglagay ng insertion point sa file. I-click ang Set Font category at hanapin ang superscript. Double click sa superscript 2 sign.

H. Sa Mac OS X

  • Pindutin ang Ctrl + Cmd + Space at lalabas ang character viewer.
  • I-type ang superscript sa search bar sa itaas.
  • I-click ang desired number.

I. Sa Chromebook

Pindutin ang Ctrl + period (.)

J. Sa Linux/Ubuntu

Pindutin ang Ctrl + Shift + U saka i-type ang 00B2.

Pangalawang Bahagi. Paano Mag-type ng Squared Symbol sa Smartphone Keypad

A. Sa iOS

  • Option 1 – Adjust Settings: Settings > General > Keyboard > Text Replacement > “+”. Input ang shortcut.
  • Option 2 – Copy and Paste: Copy ang squared symbol sa dulo ng article na ito at i-paste ito sa iyong desired file o document.

B. Sa Android

  • Option 1 – Gamitin ang numerical pad: Pumunta sa numerical pad (123). Long press sa number 2 hanggang lumabas ang superscript version nito.
  • Option 2 – Gumawa ng shortcut: I-install ang libreng Gboard application sa Google Playstore. Tapikin ang System > Languages & Input. Kapag nakita mo na ang Keyboards, pindutin ang Virtual keyboard > Gboard > Dictionary > Personal Dictionary > All Languages (kung may multiple keyboards ka). Tapikin ang “+” > pindutin ang back arrow. Para i-activate ito, i-type ang word na “squared” at ilalagay ang shortcut sa suggestive bar sa itaas ng keyboard.

Pinakamadaling Paraan Para Ilagay ang Squared Symbol Kahit Saan

Kung gusto mo ng mabilis na paraan para mag-insert ng squared symbol, simpleng i-copy ang superscript sa ibaba at i-paste ito sa iyong desired file o document.

²

Subscribe to Get the Latest Updates and Promos!

* indicates required


Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.