Paano Mag-Transfer ng Pera Mula sa Paypal Papunta sa GCash?

Reading Time - 4 minutes
Paano Mag-Transfer ng Pera Mula sa Paypal Papunta sa GCash

Nagtataka ka ba kung saan pwede ilipat ang iyong PayPal funds para mag-withdraw o magbayad ng bills?

Ang pag-transfer nito sa iyong GCash virtual wallet ang pinakamagandang opsyon.

Also Read: Top Business Ideas sa Pilipinas na May Humigit Kumulang ₱50,000 Capital

Hindi tulad ng PayPal to bank transfers, ang PayPal to GCash transfer ay walang charges at maaaring maproseso sa loob ng 24 oras o mas mabilis pa.

Alamin kung paano mag-transfer ng pera mula sa PayPal papunta sa GCash sa gabay na ito na may hakbang-hakbang na instruksyon.

Table of Contents

Paano Mag-Transfer ng Pera Mula sa PayPal Papunta sa GCash?

Maaari mong ilipat ang iyong pera mula sa PayPal papunta sa iyong GCash account kung ang mga account na ito ay naka-link na. Kapag nai-link mo na ang mga account na ito, sundin ang mga sumusunod na hakbang.

Also Read: Paano Mag-Compute ng Meralco Bill?

1. Mag-log in sa iyong GCash app gamit ang iyong 4-digit na MPIN

2. Sa iyong GCash home screen, piliin ang “Cash In”

Paypay to Gcash

3. Mag-scroll pababa at piliin ang “PayPal” sa ilalim ng “Global Partners and Remittance”

Paypay to Gcash

4. Ilagay ang halaga na nais mong ilipat mula sa iyong PayPal papunta sa iyong GCash account

Pagkatapos mong ilagay ang halaga, i-tap ang Next button.

Paypay to Gcash

5. Kumpirmahin ang transaksyon

Kapag na-tap mo na ang Confirm button, ipoproseso na ang iyong transaksyon.

Karaniwan, aabutin ng 24 oras o mas mababa pa para matanggap ang pera sa iyong GCash account. Kapag na-proseso na ang transfer, makakatanggap ka ng notification sa pamamagitan ng SMS.

Also Read: Paano Mag-Umpisa at Sumali sa Isang Matagumpay na Paluwagan?

Paano I-Convert ang PayPal Money Mula US Dollars (USD) Papunta sa Philippine Peso (PHP)?

Kapag naglilipat ng pera mula sa Paypal papunta sa GCash, kailangan ang iyong funds ay nasa PHP para payagan ng GCash ang transfer. Dahil karaniwang nasa USD ang perang natatanggap sa pamamagitan ng Paypal, kailangan mong i-convert ang USD sa PHP bago mag-transfer.

Narito ang mga hakbang para i-convert ang pera sa Paypal mula USD papunta sa PHP:

1. Mag-log in sa iyong PayPal account sa pamamagitan ng app o sa opisyal na website ng PayPal na ma-access mo sa iyong web browser

2. Piliin ang “Wallet”

Paypal to GCash

Kung gumagamit ka ng Paypal Mobile App, i-tap muna ang Menu sa itaas na kaliwa ng screen, saka piliin ang Wallet.

3. Sa iyong Paypal balance, hanapin ang iyong pera na nasa USD

4. I-click ang “three-dots” button malapit sa iyong USD balance

5. Piliin ang “Convert Currency” sa dropdown menu

6. Piliin ang “Philippine Peso” mula sa listahan ng mga currency

Kapag napili mo na ang Philippine Peso, i-click ang Next button.

7. Suriin ang converted na halaga, saka i-click ang “Next” button

Bago i-click ang Next button, maaari mong tingnan ang converted na halaga sa PHP at ang conversion rate.

8. I-click ang “Convert Now” button

Pagka-click ng button na ito, agad na ma-convert ang iyong pera mula USD papunta sa PHP.

9. Makakatanggap ka ng mensahe na nagpapahiwatig na matagumpay ang conversion. I-click ang “Done” button para lumabas.

Mga Madalas Itanong

1. Magkano ang transfer fee mula sa Paypal papunta sa GCash?

Ang pag-transfer mula sa Paypal papunta sa GCash ay walang transfer fee.

2. Pwede ba akong mag-transfer ng pera mula sa Paypal papunta sa GCash kahit hindi pa sila naka-link?

Hindi. Kailangan mong i-link muna ang iyong Paypal account sa iyong GCash account bago mag-transfer ng pera sa pagitan nila.

3. Hindi ako makapag-transfer ng pera mula sa Paypal papunta sa GCash. Ano ang dapat kong gawin?

Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin kung hindi mo mailipat ang iyong pera mula sa PayPal papunta sa GCash:

  • I-relink ang iyong Paypal account sa iyong GCash account
  • Suriin kung naka-update sa pinakabagong bersyon ang iyong GCash app
  • Subukang mag-cash in ng mas maliit na halaga
  • Subukang kumpletuhin ang transaksyon muli pagkalipas ng 24 oras

4. Ano ang minimum at maximum na halaga na pwede kong ilipat mula sa Paypal papunta sa GCash?

Ang pinakamababang halaga na maaari mong ilipat ay PHP 500, samantalang ang pinakamataas ay USD 2000 o PHP 100,000.

Subscribe to Get the Latest Updates and Promos!

* indicates required


Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.