Ang mga kabataan sa edad na 21 hanggang 25 ay sapat na ang edad para mag-settle down. Pero hindi ibig sabihin na mayroon na silang sapat na karanasan para malaman kung ano ba talaga ang buhay may-asawa. Sa guide na ito, matututunan mo kung ano ang parental advice, paano ito makukuha, at ang mga posibleng kahihinatnan kung hindi ito makukuha bago magpakasal.
DISCLAIMER: Ang artikulong ito ay para sa pangkalahatang impormasyon lamang at hindi ito dapat ituring bilang legal advice o kapalit ng legal na payo. Dapat kang kumonsulta sa iyong abogado para makakuha ng advice ukol sa anumang partikular na isyu o problema. Ang paggamit ng impormasyong ito ay hindi lumilikha ng relasyon sa pagitan ng may-akda at ng gumagamit/mambabasa.
Table of Contents
Ano ang Parental Advice para sa Kasal?
Ang parental advice para sa kasal ay isang dokumentong nakasulat na nilagdaan ng mga magulang o guardian kapag ang isa o parehong partido na ikakasal ay nasa edad na 21 hanggang 25.
Paano Makakuha ng Parental Advice para sa Kasal sa Pilipinas?
Ang pagkuha ng parental advice ay isinasagawa sa sumusunod na paraan:
- Ang mga contracting parties ay kailangang gumawa ng sworn statement na nagsasaad na hinanap ang parental advice.
- Ang mga magulang o guardian ay magbibigay ng nakasulat na advice.
- Ang parehong dokumento ay kailangang isumite/i-attach sa application para sa marriage license.
Sample Template ng Affidavit of Parental Advice for Marriage
Naghahanap ka ba ng sample ng parental advice para sa kasal? Walang problema. Maaari kang humingi ng tulong sa isang abogado para gumawa nito o gamitin ang aming libreng template. I-download ang template, punan ito, at dalhin sa notary public para mapanotaryo.
Ano ang Mangyayari Kapag Hindi Hinanap ng Contracting Parties ang Advice ng mga Magulang o Kung Tumanggi ang mga Magulang o Guardians na Magbigay ng Advice? Pwede Pa Rin Ba Silang Magpakasal?
Oo, pwede pa rin silang magpakasal. Subalit, ang marriage license ay ibibigay lamang pagkatapos ng tatlong buwan mula sa pagkumpleto ng publikasyon ng application. Ang pagtanggi ng mga magulang na magbigay ng advice ay dapat ding ilagay sa sworn application.