Alam nating lahat ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng online job – mataas na earning potential, flexible working hours, at kalayaan mula sa mga corporate hassles.
Pero saan nga ba hahanapin ang mga online jobs? Paano ka magsisimula ng iyong online job hunting?
Kung akala mo na isang sakit sa ulo ang paghahanap nito, huwag kang mag-alala dahil andito kami para tulungan ka!
Hayaan mo ang artikulong ito na maging gabay mo sa pinakamahusay na online job sites dito sa Pilipinas, kung saan mo maaaring matagpuan ang iyong susunod na oportunidad sa online job.
Table of Contents
Top 9 Best Online Job Sites sa Pilipinas
Anuman ang iyong skills o expertise, kung ikaw ay naghahanap ng full-time o part-time job, ang sumusunod na 9 online job sites ang pinakamagandang simulan para sa iyong job hunting.
1. Upwork
Nag-aalok ang Upwork ng maraming online job opportunities sa digital marketing, writing, customer service, information technology, at iba pa. Isa ito sa mga nangungunang sites na nagkokonekta sa freelancers at potential clients sa buong mundo.
Paano maghanap ng online job sa Upwork: Gumawa ng profile na naglalaman ng iyong overview, work history, skills, at expertise para ma-attract ang potential clients. Pagkatapos, mag-explore ng remote jobs na inaalok ng iba’t ibang clients dito at mag-send ng proposal para sa trabahong nais mo.
2. OnlineJobs PH
Sa mahigit 8,000 employers na naka-sign up noong November 2021, ang OnlineJobs.ph ay isa sa mga pinakamahusay na go-to sites para sa mga Filipino virtual job hunters. Kasama sa employment opportunities ang blog writing, forum posting, coding, researching, at iba pa.
Paano maghanap ng online job sa OnlineJobs.ph: Gumawa ng account. Kapag handa na ang iyong account, maghanap ng online job dito. May tsansa rin na kontakin ka ng employers kung fit ang iyong profile para sa trabaho.
3. Fiverr
Ang Fiverr ay isang digital marketplace kung saan maaari mong itakda ang iyong presyo at ibenta ang iyong freelance services sa clients sa buong mundo. Ang mga services na ito ay tinatawag na “gigs”. Kasama sa posibleng gigs na maio-offer ang social media management, article writing, audio mixing, at programming.
Paano maghanap ng online job sa Fiverr: Mag-sign up para sa Fiverr account. Kapag nagawa na ang account, i-activate ang iyong seller account para makagawa ng Gigs. Sundan ang mga hakbang dito. Pagkatapos, maaari mo nang gawin ang iyong unang Gig. Halimbawa, “I will design your website logo”, at magdagdag ng description tungkol dito. Maaari ka ring maglagay ng FAQ section para sa karagdagang detalye. Paano gumawa ng gig? I-check dito.
4. Indeed
Bilang isa sa mga nangungunang job sites sa mundo na may humigit-kumulang 10 job openings na nadadagdag bawat segundo, ang Indeed ay isa sa mga pinakamagandang spot para makahanap ng remote work opportunity.
Paano maghanap ng online job sa Indeed: Gumawa ng account gamit ang isang aktibong email address. Dahil nag-aalok ang Indeed ng on-site at remote work opportunities, kailangan mong maghanap ng available na remote job opportunities na maaari mong applyan. Gamitin ang Indeed job search at ilagay ang remote/online job o katulad na keywords sa “What” search box.
5. JobStreet
Itinuturing bilang isa sa mga nangungunang job marketplaces sa Asia, ang JobStreet ay nagbibigay ng online job opportunities sa e-commerce, tutoring, customer service, design, at iba pa.
Paano maghanap ng online job sa JobStreet: Mag-sign up para sa JobStreet account. Pagkatapos, mag-provide ng resume sa pamamagitan ng pag-upload nito o pagkumpleto ng iyong JobStreet profile. Para maghanap ng online job opportunities, i-browse ang job offerings na nai-post. Subukan din gamitin ang search bar para maghanap ng online work. Dahil nag-aalok ang JobStreet ng on-site at remote job opportunities, gamitin ang keywords tulad ng online job/remote work.
6. We Work Remotely (WWR)
Nagpo-post ang WWR ng remote job opportunities sa UX designing, programming, marketing, writing, at iba pa. Na may mahigit 1,000 bagong offers buwan-buwan, ang site na ito ay isa sa mga pinakamagandang lugar para simulan ang iyong job hunting.
Paano maghanap ng online job sa WWR: Gumawa ng WWR account. Pagkatapos, maghanap ng online job gamit ang kanilang Categories tab o ang Advanced Job Search feature sa ilalim ng Job Seekers tab. I-click ang trabahong gusto mo at basahin ang description. I-click ang Apply for this position para sa karagdagang instruksyon kung paano mag-submit ng iyong application.
7. Kalibrr
Itinatag noong 2013, ang Kalibrr ay ipinagmamalaki ang pagtulong sa milyon-milyong job seekers na magtayo ng kanilang careers sa mas mabilis at simpleng paraan. Nagbibigay din sila ng skill tests para mapataas ang iyong credibility.
Paano maghanap ng online job sa Kalibrr: Magsimula sa paggawa ng account. Pagkatapos, gamitin ang search box para maghanap ng trabaho (hal., “writing”). Siguraduhing i-filter ang mga resulta sa pamamagitan ng pag-tick sa box na “Work From Home” sa ilalim ng Location tab. Kapag nakita mo na ang online job opportunity na gusto mo, i-click ang job offer at piliin ang Apply now.
8. Glassdoor
Ang Glassdoor ay isang American-based job site kung saan maaari kang makahanap ng remote work opportunities. Nag-aalok din ang site na ito ng mga review sa mga kumpanya mula sa mga dating empleyado para makagawa ka ng informed decision sa pagpili ng pinakamagandang kumpanya.
Paano maghanap ng online job sa Glassdoor: Gumawa ng account sa Glassdoor sa pamamagitan ng pagpili mula sa isa sa mga registration options na ipinapakita sa kanilang homepage. Pagkatapos, kumpletuhin ang iyong profile at mag-upload ng resume. Gamitin ang search bar para maghanap ng online job. Dahil nag-aalok ang Glassdoor ng on-site at remote work opportunities, kailangan mong isama ang keywords tulad ng online job o remote work sa iyong paghahanap. Kapag nakita mo na ang job offer na gusto mo, i-click ito at basahin ang description. I-click ang Easy Apply para simulan ang iyong application o Save it kung gusto mong i-save ito para sa ibang pagkakataon.
9. Careerjet
Pinapadali ng Careerjet ang iyong online job hunting sa pamamagitan ng pag-map sa lahat ng available na trabaho sa internet at pagtipon sa mga ito sa isang single database.
Paano maghanap ng online job sa Careerjet: Gumawa ng account. Pagkatapos, mag-upload ng iyong CV para mabilis kang makapag-apply para sa job opportunity na nais mo. Maaari ka ring gumawa ng CV gamit ang kanilang Create your CV feature. Para maghanap ng online job, gamitin ang kanilang search bar. Siguraduhing gumamit ng keywords tulad ng online/remote job. Tandaan na ididirekta ka ng Careerjet sa website kung saan nagmula ang job offer.
Pinakada-Best na Online Job Sites sa Pilipinas para sa Specific Workers
1. Writing, Forum Posting, at Content Marketing
- Bewriters.net – nagkokonekta sa iyo sa libu-libong clients sa buong mundo na naghahanap ng freelance writers. Available dito ang full-time at part-time writing jobs.
- ProBlogger – isang community ng mahigit 300,000 bloggers, nagbibigay ang ProBlogger ng blog at article writing remote job opportunities sa buong mundo.
- iWriter – isang platform na nagpapahintulot sa remote workers na magsulat ng maraming blogs at articles at kumita habang ginagawa ito.
- Writerbay.com – isang website na nagbibigay ng freelance writing jobs online para sa proficient writers sa iba’t ibang fields.
2. Tutoring at Online Learning
- CourseHero – nagbibigay ng pagkakataon sa mga tutors na tulungan ang mga estudyante sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong related sa kanilang preferred subject matter.
- Studypool – kumita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante sa kanilang homework o sa pagbibigay ng tutorial services on your own schedule.
- 51talk – dito maaari kang magturo ng English sa young Chinese learners habang nasa comfort ng iyong home.
- Engoo – nagpapahintulot sa iyo na magturo ng English online sa learners mula sa iba’t ibang bansa habang nag-eenjoy ng flexible working schedule.
- Acadsoc – nagbibigay ng oportunidad na maging English tutor para sa learners mula sa iba’t ibang bansa habang nag-eenjoy ng work-life balance.
- Rarejob – isang platform na tutulong sa iyo na magturo ng English sa Japanese learners sa buong mundo, mula sa comfort ng iyong home.
- Learntalk – nag-aalok ng home-based English tutoring jobs na may flexible working schedules.
- Photomath – tumulong sa mga estudyante sa buong mundo sa kanilang math homeworks. Para mag-qualify, kailangan mong pumasa sa ilang qualifying grammar at mathematics exams.
- Yup Math – tutulong sa iyo na maging math tutor sa mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa at kumita monthly.
3. Transcription, Online Survey, at Data Collection
- Appen – nagpapabuti sa AI system ng iba’t ibang companies sa pamamagitan ng pag-hire ng remote workers para sa iba’t ibang tasks tulad ng audio transcribing, social media categorizing, content moderating, at iba pa.
- Remotasks – kumita sa pamamagitan ng paggawa ng tasks tulad ng 2D, 3D, at LiDAR annotation, audio at text transcribing, at image labeling.
- Happy Scribe – nagbibigay ng oportunidad sa mga workers na kumita sa pamamagitan ng simple tasks tulad ng pag-convert ng audio to text o pag-add ng subtitles sa videos.
- Got it Excelchat – nagbibigay ng trabaho sa qualified individuals na tutulong sa clients sa paggamit ng Microsoft Excel spreadsheet o Google sheets.
- GoTranscript – nag-aalok ng iba’t ibang transcription jobs na may flexible schedule.
- MOBROG – nagpapakita ng paraan para kumita ang mga tao sa pamamagitan ng pagsagot sa surveys.
4. Graphic Design at Video Editing
- Designhill – inaalok ang iyong designs sa business owners sa buong mundo na naghahanap ng high-quality creative designs para sa logos, websites, brochures, atbp.
- Behance – isang website na regular na nagpo-post ng graphic design job opportunities. I-type lang ang “remote” sa search bar at makikita mo na ang online job offerings.
- 99designs – nagkokonekta sa freelance designers sa clients sa buong mundo.
- Canva – nag-aalok din ang Canva ng remote job opportunities para sa graphic designers at video editors. Siguraduhing piliin ang “Manila” bilang iyong location at “Remote” bilang employment type kapag naghahanap ng trabaho.
- ManyPixels – nag-aalok ng full-time remote jobs (dapat magtrabaho sa US Eastern time) na related sa graphic designing.
5. Translation
- Gengo – nag-aalok ng translation jobs na may flexible working schedules.
- Unbabel – nag-aalok ng part-time translation jobs na maaari mong gawin mula sa comfort ng iyong home.
6. Virtual Assistantship
VirtualStaff.ph – isang Philippine virtual assistant outsourcing platform kung saan maaaring magkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na maging VA para sa clients mula sa iba’t ibang bansa.
7. Programming at Web Development
- WordPress – nag-aalok ang WordPress ng remote job opportunities na involved sa web development.
- Arc.dev – isang site na nagtitipon ng available online jobs para sa remote developers.
8. Customer Service
Outsourcely – nag-aalok ng maraming full-time remote customer service jobs.
Paano Ma-Hire sa isang Online Job Site
1. Magpakita ng kahanga-hangang updated at concise resume
Mahalaga na mag-invest ka sa iyong resume lalo na at karamihan ng online job sites ay hinihingi itong i-upload.
Magbigay ng maikling summary ng iyong qualifications. I-highlight ang work experiences at skills na relevant (technical at soft) para ma-capture ang interes ng potential employers. Siguraduhing may dagdag kang brief na description ng iyong mga nakaraang karanasan, lalo na ‘yung mga nagbigay ng malaking kontribusyon sa iyong dating kumpanya. Isama rin ang mga achievements o certifications na may kinalaman sa trabahong inaapplyan.
2. Gumawa ng iyong portfolio
Ang portfolio ay isang koleksyon ng iyong pinakamahusay na mga gawa na maipapakita mo sa mga potential employers kung kinakailangan.
Kung halimbawa, gusto mong makakuha ng writing gigs, maaari kang magsimula sa pagsulat ng mga artikulong may kaugnayan sa iyong mga interes o hobbies. Maaari ka ring mag-focus sa isang tiyak na niche at bumuo ng iyong blog.
3. Maghandog ng professional na online profile
Dahil ang iyong online profile sa job site ay titignan ng potential employers, tiyakin na ito ay disente, simple, at may professional na hitsura.
Maglagay ng high-quality na profile picture kung saan ikaw ay nakasuot ng professional attire. Magdagdag ng maigsi ngunit malinaw na description tungkol sa iyong sarili. Halimbawa: “Freelance Health and Fitness Writer” o “Video Animator and Logo Designer”.
Ilagay ang mahahalagang impormasyon na makakatulong palakasin ang iyong profile tulad ng relevant na working experiences, skills, at edukasyon. Maaari mo ring idagdag ang mga links patungo sa mga online sites na nagpapakita ng iyong mga nakaraang trabaho. May mga job sites din tulad ng Upwork at Kalibrr na nagbibigay ng pagkakataon sa iyo na mag-take ng skill tests upang tumaas ang iyong credibility.
4. Magtagumpay sa virtual interview
Maaaring hingin ng ilang employers na magkaroon ka ng virtual interview bilang bahagi ng iyong job application. Hindi mo gusto na makaranas ng technical problems sa araw ng iyong interview, kaya naman mahalaga na maayos ang iyong computer, internet connection, at camera. Iwasan din ang paggamit ng virtual backgrounds dahil hindi ito propesyonal tingnan.
Kagaya ng sa totoong interview, maging totoo ka at panatilihing kalmado. Sumagot ng may kumpiyansa at panatilihin ang eye contact.
5. Tiyakin na mayroon kang mga kailangang qualifications
Siyempre, ang iyong pagkakataong ma-hire ay malaki ang kaugnayan sa iyong qualifications. Subalit, hindi lamang ang tiyak na working experience o skills ang mga qualifications. May mga trabaho rin tulad ng online tutoring na nangangailangan ng tiyak na specifications ng computer, bilis ng internet, at iba pang mga accessory na device.