Paano Pumasa sa Call Center Interview?

Reading Time - 15 minutes
Paano Pumasa sa Call Center Interview

Ang BPO (Business Process Outsourcing) sector ng Pilipinas ay patuloy na lumalaki at wala pang palatandaan na ito ay humihinto sa lalong madaling panahon. Libu-libong mga Pilipino ang nagtatrabaho bilang mga call center agents dahil karaniwan nang may kasamang magagandang benepisyo ang trabaho at mas mataas ang starting salary kumpara sa ibang mga trabaho dito sa Pilipinas.

Ikaw ba ay isa sa mga Pilipinong may pangarap na maging call center agent? Basahin ang guide na ito para mas maging handa at sa huli ay makapasa sa call center interview.

Paano Maghanda para sa Call Center Interview?

1. Magbihis ng Maayos

Siguraduhin na maganda at maayos ang iyong bihis kapag pumunta ka sa interview. Sundin ang hinihinging dress code at pumili ng mga damit na propesyonal ang hitsura, na akma at komportable para sa iyo.

Dagdag pa, iwasan ang pagsusuot ng matapang na pabango dahil maaaring hindi ito gusto ng mga interviewer.

2. Bantayan ang Iyong Asal at Body Language

Palagi kang magpakita ng magandang asal sa mga interviews. Subukang itago ang iyong kaba. Mag-ensayo ng tamang postura sa paglalakad, pag-upo, at pagtayo dahil makakatulong ito sa pagbuo ng iyong confidence.

Sanayin ang iyong sarili na hindi masyadong conscious sa iyong mga sagot. Hindi dapat maging tense para lumabas ng natural ang iyong mga sagot. Tandaan na panatilihin ang eye contact sa panahon ng interview at laging ngumiti.

Dapat ay magmukha kang confident at komposed, ngunit approachable pa rin.

3. Hasain ang Iyong Grammar at Pronunciation

Magbasa ng mga artikulo at libro para maayos ang iyong paggamit ng verbs, tenses, at iba pa. Matutunan mo rin ang tamang pagbigkas ng mga salita sa pamamagitan ng Youtube tutorials at online dictionaries.

Kapag handa ka na, may iba’t-ibang quizzes at exams na maaari mong kuhanin para lalo pang pagtibayin ang iyong natutunan.

Bukod dito, bawasan ang pag-utal kapag nagsasalita. Subukang magsalita ng dahan-dahan para tama ang pagbigkas sa mga salita. Pwede mo ring irecord ang sarili mo habang nagpa-practice at hanapin ang mga salitang o pariralang mahirap mong bigkasin.

Kung gusto mong mapabuti pa ang iyong pronunciation at iwasan ang karaniwang mga pagkakamali (halimbawa, ang salitang “of” ay dapat tunog na may “v”), panoorin ang video sa ibaba:

Hindi lang ang pronunciation ng mga salita ang mahalaga, pati na rin ang intonation o “tono” ng pagkakasabi natin sa mga ito. Kaya naman, mahalagang matutunan mo ang tamang intonation sa iba’t ibang klase ng pangungusap. Halimbawa, kung nagtatanong ka, dapat malinaw na tumataas ang iyong tono.

Para sa dagdag na tips sa pagpapabuti ng iyong intonation, tingnan ang video sa ibaba.

4. Matutong Mag-Perform ng Maayos sa Ilalim ng Stress

Hindi biro ang mag-handle ng mga galit na customer. Subalit, kung magagawa mo na panatilihin ang iyong composure at maging alerto kahit na nasa ilalim ng stress, ikaw ang tamang tao para sa trabahong ito.

5. Alamin ang Tungkol sa Kumpanya at Trabahong Inaaplayan Mo

Bago ang iyong interview, mag-research ka ng marami tungkol sa kumpanyang inaaplayan mo. Alamin ang tungkol sa kasaysayan nito, mga mahahalagang milestones, kung ano ang pakiramdam ng pagtrabaho doon, at kung ano ang kanilang mga pangunahing katangian. Tandaan na ang website ng kompanya at ang job posting ay magbibigay sayo ng mahahalagang impormasyon, kaya huwag kalimutan na silipin ang mga ito.

Also Read: Paano Makapasa sa Bar Exam sa Pilipinas?

Halimbawa ng mga Tanong at Sagot sa Interview sa Call Center

1. Describe yourself.

Ang sagot dito ay isang magandang sukatan ng potensyal ng isang aplikante. Maging ikaw lang habang sumasagot para makita nila ang iyong tunay na personalidad. Mahalaga ang oras sa isang interview, kaya siguraduhin mong hindi mo ito aaksayahin sa pagkwento ng mga bagay na nasa resume mo na. Inirerekomenda na maibigay mo ang iyong sagot sa loob ng 60 hanggang 90 segundo.

Sample answer: “I have a diverse array of hobbies which I engage in during my leisure time, such as painting landscapes and wildlife, as well as honing my culinary abilities, a skill I’ve inherited from my mother. Reading novels and viewing films are passions of mine since they allow me to immerse myself in various universes.”

Kung mayroon kang naunang experience sa trabaho na sa tingin mo ay may kaugnayan sa pagiging Customer Service Representative, maari mo itong isama sa iyong pagpapakilala. Ikuwento mo ng maikli kung ano ang iyong mga ginawa sa nakaraan mong trabaho, lalo na kung paano ka nakipag-ugnayan sa mga customers.

2. What is your understanding of a call center?

Tinatanong ito sa mga interviews para malaman kung ang aplikante ay may tamang o realistic na ideya kung paano gumagana ang isang call center. Karaniwang itinatanong ito lalo na kung wala pang karanasan ang aplikante sa call center.

Sample answer: “A call center is a hub for customer assistance where individuals reach out for help regarding issues with products or services. The customer service representatives endeavor to resolve queries and problems customers face, ensuring satisfactory support. Additionally, it’s an environment that embraces flexible working hours and diverse roles.”

3. Why are you interested in a call center agent position?

Itinatanong lang ito kung wala pang karanasan sa call center work ang aplikante.

Mahalaga na maging honest at sincere ka sa pagsagot sa tanong na ito. Kaya kung ang rason mo ay para kumita ng mas malaki para sa iyong sarili o sa iyong pamilya, okay lang na sabihin mo ito. Pero, huwag mong gawing sentro ang pera; sa halip, maari mong sabihin na gusto mo rin magkaroon ng career sa BPO industry.

Hindi mo rin dapat sabihin na gusto mong magtrabaho dito para mapabuti ang iyong English language skills. Dapat ay skilled at fluent na ang isang call center agent sa simula pa lang.

Sa halip, pag-usapan mo ang iyong skills, experiences, at kung ano ang maio-offer mo.

Sample answer: “The role of a Customer Service Representative offers financial stability for my family and supports my sibling’s education. I’m also drawn to the professional growth and advancement opportunities that come with the job.”

4. Discuss your strengths and weaknesses.

Gusto ng mga kompanya na marinig kung ano ang maibibigay mo sa team at kung ano ang maaaring negatibo mong epekto sa iyong trabaho. Ilahad mo ang lahat ng iyong mga strengths na magiging kapaki-pakinabang sa isang call center company. Pwede kang maging honest sa iyong mga weaknesses pero iwasan ang labis na pagbabahagi para hindi ka mag-iwan ng negative first impression. Huwag mo ring sabihin na wala kang weaknesses, dahil ito ay tunog hindi maganda at hindi sincere.

Sample answer: “My proficiency with Microsoft Office applications is a notable strength, along with my ability to manage challenging customer interactions with a composed demeanor. If I were to note a weakness, it would be my tendency towards perfectionism, which I am actively working to balance.”

5. What makes you a good candidate for a call center role?

Dapat ay naging inspirasyon ang mga naunang tanong para sa iyong sagot dito. Hangga’t maaari, ilista mo lahat ng bagay na maio-offer mo sa kompanya.

Sample answer: “I possess the core linguistic abilities required for a call center agent, including clear pronunciation, solid grammar, and creative communication. My volunteer experiences have further refined my interpersonal skills.”

6. What do you know about our company?

Magkaroon ng kalamangan sa ibang aplikante sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maraming kaalaman tungkol sa kompanyang ina-applyan mo. Mag-research at alamin ang lahat ng mahahalagang bagay na dapat mong malaman tungkol sa kompanya. Sa ganitong paraan, maipapakita mo sa recruiter na eager ka talagang magtrabaho at magbigay ng serbisyo sa kompanya.

Sample answer: “I’ve gathered that your organization prioritizes employee well-being, offering substantial benefits and career advancement opportunities, which signifies a culture that values its staff.”

Also Read: Paano Mag-Aral sa UP Kahit Hindi Nakapasa sa UPCAT?

7. What is your proudest achievement?

Kapag sinasagot mo itong tanong na ito, isipin mo ang araw na naramdaman mong pinakamasaya at pinakafulfilled.

Hindi ito kailangang tungkol sa status, grades, o recognition. Ibahagi mo sa employer/recruiter ang isang memorable na tagumpay na naabot mo sa pamamagitan ng pagsisikap at magandang work ethic. Maging honest ka dahil mas magiging enthusiastic at inspiring ang iyong sagot kung ikaw ay sincere.

Sample answer: “A standout achievement for me was securing one of the top scores in the civil service examination, especially with limited preparation time; it’s an accomplishment that holds significant personal value.”

8. What are your life goals?

Pag-usapan natin briefly ang iyong short-term goals at iyong long-term plans. Ipakita mo na ikaw ay isang tao na may ambisyon at kung paano ito makakatulong para magkaroon ka ng magandang performance sa trabaho. Magbigay ka ng detalye nang hindi ginagawang masyadong mahaba ang iyong sagot.

Sample answer: “In the short-term, I aim to contribute to this exceptional company’s success. Upon securing financial stability, I envisage opening my own bar. My long-term aspirations include earning promotions and eventually taking on a supervisory role.”

9. Where do you see yourself in five years?

Ang pagsagot sa tanong na ito ay tricky at maaaring magdetermine ng iyong kapalaran bilang isang potential employee ng kompanya. Pero, pwede kang sumagot nang honest para pareho kayo ng kompanya pagdating sa objectives at goals.

Inirerekomenda na mag-stay ka sa kompanya sa susunod na limang taon, dahil karamihan sa BPO firms ay mas gusto ang applicants na handang magdevote ng mas maraming taon kaysa doon sa mga may planong umalis agad.

Alamin paano masagot ito sa video sa baba.

Sample answer: “In five years’ time, I anticipate advancing within this organization to a more senior position.”

10. How would you define quality customer service?

Diretso lang ang rason sa likod ng tanong na ito: gusto malaman ng employers kung ang iyong idea ng customer service ay tugma sa kanila. Kahit hindi ka pa nagtrabaho sa call center, hindi ito excuse dahil ang principles ng quality customer service ay universal at applicable sa iba’t ibang industries.

Sample answer: “Quality customer service is characterized by an agent’s commitment to exceed customer expectations, ensuring prompt and efficient resolution of their concerns with empathy and expertise.”

11. What skills should a call center agent have?

Sinusubok kung alam mo ang kinakailangan para maging isang call center agent. Maging honest at ilahad lahat ng naiisip mo.

Sample answer: “An exceptional call center agent should be quick-witted, tech-savvy, knowledgeable, and possess strong problem-solving skills.”

12. Why did you leave your last job?

Hangga’t maaari, maging honest at sabihin mo lang ang mga facts nang hindi sinisiraan ang iyong dating kompanya. Sabihin mo na naghahanap ka ng ibang opportunities for growth at success nang iwan mo ang iyong previous workplace.

Sample answer: “I left to pursue new opportunities that would allow for personal skill development and professional growth, challenging myself continuously to refine existing abilities and acquire new ones.”

13. Why is teamwork important in the call center industry?

Ang teamwork ay napakahalaga para magtagumpay sa call center, at gusto ng interviewer malaman kung aware ka dito. Sumagot nang honest dahil walang tama o maling sagot dito.

Also Read: Paano Mag-Compute ng Severance Pay sa Pilipinas?

Sample answer: “Teamwork is vital in a call center setting as teams often have daily targets to meet. Collaboration ensures that these objectives are met collectively, benefiting the entire group.”

14. How do you manage stress?

Hindi para sa mahina ang loob ang call center industry. Makakatanggap ka ng komplikadong issues at angry callers paminsan-minsan. Syempre, gusto ng kompanya malaman kung kaya mong hawakan ito at magpatuloy pa rin sa pagbibigay ng serbisyo.

Sample answer: “I approach stress management by maintaining composure and employing breathing techniques when necessary. Staying calm is my priority, ensuring stress doesn’t compromise my performance.”

15. How would you handle a dissatisfied customer?

Ipaliwanag sa interviewer kung ano ang mga gagawin mo at hindi gagawin para mabuti ang sitwasyon habang nagbibigay ka pa rin ng magandang serbisyo sa customer.

Sample answer: “I would approach the situation calmly, express empathy to acknowledge their frustration, and work collaboratively to find a satisfactory resolution.”

16. Why should we possibly not hire you?

Sinusubukan ng interviewer ang iyong creativity skills at kung gaano kabilis ka mag-isip. Walang tama o maling sagot, kaya sabihin mo lang kung ano ang unang pumasok sa isip mo, basta ito ay angkop at hindi magpapakita na ikaw ay mayabang.

Sample answer: “Unless you’re seeking someone who isn’t adaptable and capable of learning quickly in a new environment, there would be no reason not to consider me for the position.”

17. How long do you plan to work with us?

Karamihan ng BPO companies ay gusto na tumagal ang kanilang empleyado sa kanila. Kaya siguraduhin mo na ang iyong sagot ay magpapakita na hindi ka agad aalis. Huwag banggitin ang paglipat sa ibang kompanya o pagpalit ng career pagkatapos ng ilang taon.

Sample answer: “I am committed to serving the company for as long as my contributions are valuable and I can fulfill the company’s needs.”

18. Do you have any questions for us?

Madalas nagtatapos ang interviews sa tanong na ito, kaya magbigay ng isang impressive na sagot. Magbigay ng sagot sa tanong na ito kung hindi, baka isipin ng interviewer na hindi ka interesado sa trabaho.

Iwasan ang magtanong tungkol sa personal na impormasyon ng interviewer o sa salary at benefits ng kompanya. Gawing maikli at simple ang iyong tanong para madali itong masagot ng interviewer.

Ang video sa ibaba ay magbibigay sa iyo ng ideya kung paano sagutin ang tanong na ito.

Sample answer: “Could you elaborate on how employee performance is evaluated and recognized within the company?”

Naghahanap ka pa ba ng ibang tips kung paano makapasa sa common call center interview questions? Panoorin ang insightful video sa ibaba mula sa Kwestyon.

Mga Biglaang Tanong

1. How might you explain the essence of the color red to someone who can not see?

Kadalasang tinatanong ito sa mga interviews para masukat kung gaano kagaling sa English ang isang aplikante. Ang susi dito ay maging malikhain sa pag-describe ng isang kulay at gumamit ng mga expressive na salita. Okay lang kahit maikli ang sagot, basta’t makabuluhan.

Sample answer: “For someone who cannot see, red could be thought of as the warmth of the sun on your skin or the rush of your heartbeat when you feel a strong emotion. It’s a color that often represents the intensity of experiences, like the deep connection found in love or the sharpness of anger.”

May interesting take ang video sa baba tungkol sa tanong na ito. Observe kung paano ginamit ng interviewee ang iba pang functioning senses para ilalarawan ang kulay red sa isang taong bulag.

2. What’s the reason behind pizzas being round?

Isa na namang hindi pangkaraniwang tanong para subukin kung gaano ka kagaling mag-English. Walang tama o maling sagot. Subukang mag-isip ng pinaka-creative na sagot habang pinapakita mo na magaling ka sa grammar.

Sample answer: “Pizzas are crafted in a round shape to ensure an even cooking process and to facilitate the ease of slicing into equitable portions, allowing people to share the meal conveniently.”

3. What’s the rationale for the square shape of pizza boxes?

Ang key para masagot ang tanong na ito ay maging witty habang tiniyak na tama ang iyong grammar at pronunciation. Again, walang tama o maling sagot, so kailangan mong ipakita na maganda ang command mo sa English language.

Sample answer: “Square boxes are utilized for round pizzas because they’re more efficient to manufacture and store. They also provide additional space around the pizza, reducing the risk of the food being squished during delivery and making it easier to remove the pizza without ruining the toppings.”

4. Could you share an extraordinary dream or aspiration you have?

Maaaring mahirap ang tanong na ito dahil kailangan mong mag-isip nang mabuti para sa sagot. Pero magandang way ito para ipakita na mayroon kang malawak na vocabulary. Dapat ay creative at descriptive hangga’t maaari ang sagot.

Sample answer: “The pinnacle of my dreams would be to wield the power of instantaneous travel – to be able to teleport. Imagine the exhilaration of hopping from the serene beaches of the Maldives to the majestic peaks of the Andes in an instant. With such a power, even if just for a day, I would embark on an epic journey of discovery and adventure, exploring the farthest reaches of our world without the constraint of time or distance.”

Mga Tips at Babala

  • Maging Honest Pero May Limit: Always be honest pero huwag yung sobrang detalyado na magiging cause ng negativity during the interview. Share lang what is necessary.
  • Be Confident sa Pag-sasalita: Kapag confident ka kasi, mas nakaka-convince yung mga sinasabi mo.
  • Wag Mang-Tsismis: Don’t badmouth anyone, kasama na dito ang former boss mo, mga katrabaho, or kahit ang sarili mo.
  • Sumagot ng Diretso sa Tanong: Stick to what the interviewer asks you. Kapag specific lang ang tanong, like full name, birthday, education, working experience, etc., yun lang ang sagutin. Minsan kasi test ng listening skills yung mga ganitong tanong, kaya wag lumayo sa topic.
  • Willingness to Learn: Kung wala kang call center experience, ipakita mo sa interviewer na willing kang matuto. Highlight mo na quick learner ka at may good work ethic.
  • Honesty sa Di Pagkakaunawa: If hindi mo naiintindihan yung sinasabi ng interviewer, like may technical words or jargon, be honest. Huwag mahiya mag-clarify ng question para masagot mo ng maayos.
  • Control Your Hand Gestures: Limit the hand gestures and try to keep your hands steady. Yung sobrang galaw ng kamay, pwedeng makadistract sa interviewer or magmukha kang hindi confident sa sinasabi mo.
  • Hindi Kailangan Mahaba Ang Sagot: Your answers don’t always have to be mahaba. It’s okay to give short answers basta ba naipapahayag mo ng maayos yung point mo. Tandaan, KISS (keep it short, stupid!).

Subscribe to Get the Latest Updates and Promos!

* indicates required


Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.