Ang concept paper ay isa sa mga unang hakbang para tulungan kang maisakatuparan ang iyong research project. Dahil dito, may mga eskwelahan na nagtuturo sa mga estudyante kung paano gumawa ng concept paper kahit noong high school pa lang. Sa kolehiyo, minsan hinihingi ng mga professors na mag-submit ang mga estudyante ng concept paper bago nila isuggest ang kanilang research projects na magsisilbing foundation para sa kanilang thesis.
Kung binabasa mo ito ngayon, malamang na-assign ka ng iyong teacher o professor na gumawa ng concept paper. Para matulungan ka na makapagsimula, inihanda namin ang isang comprehensive guide kung paano gumawa ng tamang concept paper.
Table of Contents
Ano ang Concept Paper?
Sa pangkalahatan, ang concept paper ay isang summary ng lahat ng bagay na may kinalaman sa iyong proposed project o topic. Ipinapakita ng concept paper kung ano ang project, bakit ito mahalaga, at paano at kailan mo planong isagawa ang iyong project.
Iba’t Ibang Uri ng Concept Paper at Ang Kanilang Gamit:
1. Academic Research Concept Papers
Ito ang pinaka-karaniwang uri ng concept paper at ito ang madalas kilala ng karamihan. Ginagamit ito ng mga estudyante para magbigay ng outline sa kanilang prospective research topics.
Nakakatulong ang mga concept papers na ito para mas mapalawak ng mga estudyante ang impormasyon at ideya na may kinalaman sa kanilang topic para makarating sila sa mas specific na research hypothesis.
Dahil ito ang pinaka-karaniwang uri, ito ang pangunahing focus ng artikulong ito.
2. Advertising Concept Papers
Karaniwang sinusulat ang advertising concept papers ng creative at concept teams sa mga advertising at marketing agencies.
Sa pamamagitan ng concept paper, nabubuo ang foundation o theme para sa isang advertising campaign o strategy. Pwedeng magsilbi rin itong bulletin board para sa mga ideya na pwedeng idagdag o paunlarin ng creative at concept teams.
Karaniwang tinalakay sa ganitong uri ng concept paper kung sino ang target audience ng campaign, ano ang approach ng campaign, paano ito ipapatupad, at ang inaasahang benefits at impact ng campaign sa sales, consumer base, at iba pang aspeto ng kumpanya.
3. Research Grant Concept Papers
Madalas itong makita sa academe at business world. Bukod sa pagpapatunay kung bakit dapat isagawa ang iyong research project, kailangan din na maakit ng research grant concept paper ang kumpanya o funding agency kung bakit sila dapat magbigay ng pondo.
Dapat ipakita ng paper ang proposed timeline at budget para sa buong project. Dapat din nitong makumbinsi ang kumpanya o funding agency sa mga benepisyo ng iyong research project—maaaring ito ay pagtaas ng sales o productivity o para sa benepisyo ng general public.
Concept Paper vs. Research Proposal
Mahalaga na talakayin ang pagkakaiba ng dalawa dahil madalas magkamali ang mga tao sa paggamit ng mga terminong ito ng palitan.
Ang concept paper ay isa sa mga unang hakbang sa pagsasagawa ng research project. Sa prosesong ito, tinipon ang mga ideya at relevant na impormasyon para sa research topic para makabuo ng research hypothesis. Kaya naman, dapat laging nauna ang concept paper bago ang research proposal.
Ang research proposal ay mas detalyadong outline ng mas pinaghusay na research project. Ito ang huling hakbang bago makapagsagawa ng research project ang isang researcher. Bagama’t pareho silang may similar na elements at structures, mas specific ang research proposal pagdating sa kung paano isasagawa ang buong research project.
Paano Simulan ang Iyong Concept Paper?
1. Maghanap ng Research Topic na Interesado Ka
Kapag pipili ka ng research topic, siguraduhin na ito ay isang bagay na passionate ka o gusto mong matutunan pa. Kung gagawa ka ng concept paper para sa eskwelahan, siguraduhing relevant ito sa subject ng iyong klase. Ang pagpili ng topic na hindi ka invested ay maaaring magdulot ng pagkawala ng interes mo sa iyong project sa paglaon, na maaaring magpababa sa quality ng research na iyong gagawin.
Ang isang research project ay maaaring tumagal ng ilang buwan o kahit na taon, kaya mahalaga na hindi ka mawawalan ng interes sa iyong topic.
Tips para sa paghahanap ng iyong research topic:
- Maghanap ng inspirasyon sa lahat ng lugar. Maglakad-lakad sa labas, magbasa ng mga libro, o mag-surf sa iyong computer. Obserbahan ang paligid mo at mag-brainstorm ng mga ideas tungkol sa lahat ng nakikita mo. Subukang alalahanin kung may mga tanong ka ba dati na gusto mong masagot tulad ng bakit ganito ang isang bagay o bakit hindi ito gawin imbes na iyon.
- Mag-isip ng malaki. Kung nahihirapan ka mag-isip ng specific na topic para sa iyong research project, ang pagpili ng broad na topic at pag-trim down nito ay makakatulong.
- Achievable ba ito? Maraming estudyante ang nagkakamali sa pagpili ng topic na mahirap i-achieve dahil sa materials, data, at/o funding na available. Bago ka magdesisyon sa research topic, isaisip mo ang mga aspetong ito. Makakatipid ito ng oras, pera, at effort mo sa huli.
- Maging specific hangga’t maaari. Ang isa pang karaniwang pagkakamali ay ang pagpili ng topic na masyadong broad. Nagreresulta ito sa extra effort at nasasayang na oras habang ginagawa ang research project. Halimbawa: Imbis na “The Effects of Bananas on Hungry Monkeys,” pwede itong gawing mas specific tulad ng “The Effects of Cavendish Bananas on Potassium-deficiency in Hungry Philippine Long-tailed Macaques in Palawan, Philippines.”
2. Isipin ang Research Questions na Gusto Mong Sagutin sa Iyong Project
Ngayon na may general idea ka na sa topic ng iyong research project, kailangan mo nang bumuo ng research questions na base sa iyong project. Ang mga tanong na ito ang magsisilbing batayan para sa kung ano ang layunin ng iyong project na masagot. Tulad ng iyong research topic, siguraduhin na ito’y specific at masasagot.
Gamit ang naunang halimbawa, ang posibleng research questions ay maaaring:
- Nagpo-produce ba ng mas visible effects ang Cavendish bananas sa K-deficiency kumpara sa ibang bananas?
- Gaano ka-susceptible ang Philippine long-tailed macaques sa K-deficiency?
- Ano ang mga effects ng K-deficiency sa Philippine long-tailed macaques?
3. Bumuo ng Iyong Research Hypothesis
Pagkatapos bumuo ng research questions, dapat ka ring magprovide ng hypothesis para sa bawat tanong. Ang research hypothesis ay isang tentative na sagot sa research problem. Dapat kang magbigay ng educated answers sa mga tanong base sa existing knowledge mo sa topic bago ka magsagawa ng iyong research project.
Pagkatapos ng research at pag-collect ng lahat ng data sa final research paper, kailangan mong i-approve o i-disprove ang mga hypotheses base sa outcome ng project.
4. Magplano Kung Paano Mo Makakamit, Analisahin, at Ipresenta ang Iyong Data
Maghanda ng plano kung paano mo makukuha ang data na kailangan mo para sa iyong research project. Tandaan ang iba’t ibang uri ng analysis na kailangang isagawa sa iyong data para makakuha ng nais na resulta. Tukuyin ang nature ng relationship sa pagitan ng iba’t ibang variables sa iyong research.
Siguraduhin din na kaya mong i-presenta ang iyong data sa malinaw at readable na paraan para sa mga magbabasa ng iyong concept paper. Makakamit mo ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga tables, charts, graphs, at iba pang visual aids.
Generalized Structure ng Concept Paper
Dahil ang mga concept paper ay summaries lang ng iyong research project, kadalasan ay maikli lang ito at hindi lalampas sa 5 pages. Pero para sa malalaking research projects, maaaring umabot ang concept papers ng higit sa 20 pages.
Ang iyong teacher o professor ay maaaring magbigay ng specific na format para sa iyong concept papers. Karaniwan, karamihan ng concept papers ay double-spaced at wala pang 500 words ang haba.
Kahit na iba-iba ang uri ng concept papers, binibigyan ka namin ng generalized structure na naglalaman ng mga elemento na makikita sa kahit anong uri ng concept paper.
1. Title
Ang title ng iyong paper ay dapat na epektibong magbuod kung ano ang tungkol sa iyong research. Gumamit ng simpleng mga salita para ang mga tao na magbabasa ng title ng iyong research ay malalaman kung ano ito kahit hindi pa nila nababasa ang buong paper.
2. Introduction
Ang introduction ay dapat magbigay sa reader ng maikling background ng research topic at ipahayag ang pangunahing layunin na nais mong makamit ng iyong project. Dapat din nitong isama ang maikling overview ng mga benepisyo ng research project para kumbinsihin ang reader na kilalanin ang pangangailangan para sa project.
3. Purpose of the Study
Ang Purpose of the Study ay dapat isulat sa paraan na makukumbinsi ang reader sa pangangailangan na tugunan ang umiiral na problema o gap sa kaalaman na nais solusyunan ng research project. Sa seksyon ito, mas detalyado mong ilahad ang benepisyo at halaga ng iyong project para sa target audience/s.
4. Preliminary Literature Review
Nagtatampok ang seksyong ito ng mga related studies at papers na susuporta sa iyong research topic. Gamitin ang seksyon na ito para analisahin ang mga resulta at methodologies ng mga naunang studies at tugunan ang mga gaps sa kaalaman o tanong na nais sagutin ng iyong research project. Pwede mo ring gamitin ang data para ipakita ang kahalagahan ng pagsasagawa ng iyong research.
Sa pagpili kung aling papers at studies ang isasama mo sa Preliminary Literature Review, siguraduhin na piliin mo ang mga relevant at reliable sources. Kabilang sa mga reliable sources ang academic journals, credible news outlets, government websites, at iba pa. Tandaan din ang mga authors ng mga papers dahil kailangan mo silang i-cite sa References section.
5. Objectives of the Study
Diretsahang ilahad ang pangunahing objectives na nais mong makamit ng iyong research. Ang mga objectives ay dapat makapag-indika ng direksyon ng pag-aaral para sa parehong reader at researcher. Tulad ng iba pang elemento sa paper, ang mga objectives ay dapat specific at malinaw na nakadefine.
6. Research Questions and Hypotheses
Ilagay ang mga research questions at katumbas na research hypotheses na iyong nabuo sa naunang hakbang at ilista ang mga ito sa seksyong ito.
7. Proposed Methodology
Sa seksyong ito, dapat mong ma-guide ang reader sa proseso kung paano mo isasagawa ang research project. Siguraduhing ilahad ang layunin para sa bawat hakbang ng proseso, pati na rin ang uri ng data na kokolektahin at ang target population.
8. Proposed Research Timeline
Depende sa nature ng iyong research project, ang haba ng buong proseso ay maaaring mag-iba ng malaki. Ang mahalaga ay makapagbigay ka ng reasonable at achievable na timeline para sa iyong project.
Siguraduhin na ang oras na ilalaan mo para sa bawat bahagi ng iyong research ay hindi masyadong mahaba o kulang para hindi masakripisyo ang kalidad ng iyong research.
9. References
Siguraduhin na bibigyan mo ng credit ang lahat ng authors ng mga sources na ginamit mo sa iyong paper. Depende sa iyong area of study o sa instructions ng iyong professor, maaaring kailanganin mong gumamit ng certain style ng citation.
May tatlong pangunahing citation styles: ang American Psychological Association (APA), Modern Language Association (MLA), at ang Chicago style.
Ang APA style ay kadalasang ginagamit para sa mga papers na related sa education, psychology, at sciences. Ang APA citation style ay karaniwang sumusunod sa format na ito:
Ang MLA citation style ay ang format na ginagamit ng mga papers at manuscripts na related sa arts at humanities. Ang MLA citation style ay sumusunod sa format na ito:
Ang Chicago citation style ay karaniwang ginagamit para sa mga papers na related sa business, history, at fine arts. Sundan ang citation format na ito:
Sample Concept Paper para sa Research Proposal (PDF)
Ito ay isang halimbawa ng concept paper na ibinigay ni Dr. Bernard Lango mula sa Jomo Kenyatta University of Agriculture and Technology. I-click lang ang link na ito para ma-download ang PDF file.
Tips para sa Pagsulat ng Iyong Concept Paper
- Gumamit ng simple at concise na wika. Iwasan ang paggamit ng flowery language at palaging subukang gumamit ng simple at madaling maintindihan na wika. Ang pagkakaroon ng masyadong maraming technical o mahihirap na salita sa iyong paper ay maaaring maglayo sa iyong mga readers at gawing mahirap basahin ang iyong papel.
- Piliin ng mabuti ang iyong mga sources. Kapag nagha-hanap ka ng mga sources sa Internet, palaging mag-ingat at doblehin ang pag-check sa authenticity ng iyong source. Ang paggawa nito ay magtataas ng authenticity ng mga claims ng iyong research project at masisiguro ang mas magandang data na nakalap sa proseso.
- Sundin ang specified na format, kung meron man. Siguraduhing sundin ang anumang specified format sa pagsulat ng iyong concept paper. Ito ay napakahalaga, lalo na kung sinusulat mo ang iyong concept paper para sa klase. Ang hindi pagsunod sa format ay kadalasang nagreresulta sa pagbawas ng puntos at delays dahil sa kailangang maramihang revisions.
- Proofread nang madalas. Gawing punto ang muling pagbasa sa iba’t ibang seksyon ng iyong concept paper matapos mo itong isulat. Isa pang paraan ay ang pagkuha ng break ng ilang araw at pagbalik para i-proofread ang iyong sulatin. Maaaring may mapansin kang ilang bahagi na gusto mong i-revise o mga pagkakamali na gusto mong ayusin. Gawing habit ang proofreading para tumaas ang kalidad ng iyong paper.