Paano Makapasa sa Bar Exam sa Pilipinas?

Reading Time - 4 minutes
Paano Makapasa sa Bar Exam sa Pilipinas

Kukuha ng Bar Exams? Sa guide na ito, magbibigay kami ng buod ng mga dapat ihanda at study tips para ma-ace mo ang Philippine Bar Examinations.

Kailangan Ko Bang Mag-Enroll sa Review School para sa Bar Exams?

Hindi ito required pero highly recommended.

Bagama’t mahalaga ang self-study at dedicated study schedule sa Bar Exams, malaki ang maitutulong ng review schools para mas maging systematic ang iyong pag-aaral.

Also Read: Paano Sumulat ng Cover Letter na Magbibigay sa Iyo ng Mga Interview?

May mga review schools na nag-ooffer pa ng mock Bar Exams na hindi lang basta makakatulong sa tamang pagsagot ng questions, kundi magbibigay din ng feedback sa iyong handwriting at susubok sa iyong legal knowledge. May mga review teachers din na nagbibigay ng ‘Bar tips’ o yung mga questions na malamang lumabas sa Bar Exams.

Paano Makapasa sa Bar Exam?

1. Magkaroon ng Study Plan

Limang o anim na buwan bago ang Bar Exams, gumawa ka ng study plan. Piliin ang mga petsa na hindi masyadong strict at hindi rin masyadong loose. Ihanda ang mga study materials, pens, highlighters, Manila papers, at markers.

2. Pag-aralan ang Basics

Hindi ka mawawala sa pag-aaral ng basics. Gaano man ka-complicated ang question, ang basics ang laging magiging sandigan mo.

3. Tandaan, huwag nang magbasa ng bagong textbooks

Dumikit ka na lang sa mga textbooks at reviewers na nabasa mo na noong nasa law school ka.

Also Read: Paano Gumawa ng Resume para sa Canada?

4. Maging mapanuri sa mga guro sa review school

Hindi mo kailangang pumasok araw-araw sa review class. Ikaw ang mag-decide kung mas okay ba na mag-self study ka o pumasok sa class. Tingnan mo kung gaano ka weak sa subject, ang qualifications ng professor, at ang content ng class mismo.

5. Manatili sa pagbabasa ng case digests

Kalimutan na ang debate kung full cases ba o case digests ang babasahin. Sa review, wala kang oras para basahin ang full text ng cases. Digests na lang ang gamitin.

6. Mag-practice sa pagsagot ng mga nakaraang tanong sa Bar exams

Tulad ng ibang exams, may mga questions sa Bar Exams na minsan ay na-uulit. Basahin ang previous Bar Exams. I-compare at i-contrast kung anong klase ng questions ang palaging lumalabas. Pwede mong gamitin ang set ng books na “Pareto Notes” na ginagawa na ito para sa iyo.

7. Magkaroon ng study buddy

Hindi advisable ang pagbuo ng study groups dahil baka magkaiba kayo ng schedules at study habits. Pero magandang magkaroon ng study buddy na mapagbabatuhan mo ng questions o makakapagbigay sa iyo ng Bar tips.

8. Mag-aral araw-araw pero mag-take ng maraming breaks

Inirerekomenda na mag-aral araw-araw – kasama na ang Saturdays, Sundays, at holidays. Pero, iwasan ang burnout. Mag-take ng maraming breaks sa buong araw. Manage your time para may oras ka pa rin manood ng Netflix, mag-browse sa Facebook, o kumain out kasama ang kaibigan.

9. Gawin ang second reading

I-schedule ang second reading ng iyong study materials para mas ma-reinforce ang mga ito sa iyong isipan.

Also Read: WFH Companies na May Dayshift Roles at May Kasamang Equipment

10. Gamitin ang advantage ng school’s Bar Operations

Nandiyan sila para tumulong. Tanungin kung may available silang notes. At huwag kalimutan magpasalamat sa kanilang volunteer work.

Nag-take na ako ng Bar Exams. Ano na ang susunod kong hakbang?

Ngayon, kailangan mong maghintay sa results.

Aabutin ng mga anim na buwan (mula November hanggang May) para ma-check ng examiners ang mga booklets, ma-encode ng Supreme Court ang scores, at magkaroon ng session en banc ang mga Justices para i-release ang results.

Sa ngayon, pwede kang magpahinga nang maayos, o kung gusto mong magtrabaho agad, mag-apply bilang underbar associate sa mga law firms o bilang legal assistant sa government agencies.

Paano Kung Bumagsak Ako sa Bar Exams?

Magluksa, at subukan muli. Walang maximum number of tries sa pag-take ng Bar Exams.

Tandaan lang na ang mga candidates na bumagsak ng tatlong beses ay hindi na pwedeng mag-take ulit ng exam maliban na lang kung mag-enroll sila at pumasa sa regular fourth-year review class at mag-attend ng pre-bar review course sa isang recognized law school.

Subscribe to Get the Latest Updates and Promos!

* indicates required


Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.